Radyo Trabaho ng DZXL, umarangkada kaisa sa Mega Job Fair ng PESO sa Pasay City

Ibinida ngayon ng Radyo Trabaho ng DZXL na naging matagumpay ang muling pag-arangkada matapos tumigil ng dalawang taon dahil sa pandemya.

Katuwang ang Public Employment Service Office (PESO) ng Pasay City government ay naging matagumpay na ipinatutupad na Mega Job Fair ng PESO Pasay City.

Ayon kay Pasay City PESO Manager Rona Sampang, ikinatuwa nito ang pakikiisa ng Radyo Trabaho ng DZXL na muling bumalik upang mabigyan ng trabaho ang ating mga kababayan kung saan nasa 50 local at international companies ang kalahok na may daan-daang alok na trabaho sa lahat ng mga aplikanteng na naghahangad na makapagtrabaho sa Pilipinas at sa ibang bansa kung saan pumapalo sa mahigit 1,000 ang dumagsa sa naturang Job Fair.


Paliwanag pa ni Sampang na bukod sa alok sa trabaho, mayroon ding One Stop Shop, kung saan ay maari nilang asikasuhin ang kanilang dokumento sa NBI, PAG-IBIG, PhilHealth at Social Security System.

Katuwang din ng Radyo Trabaho sa isinagawang Mega Job Fair dito sa Cuneta Astrodome ang TESDA, morethanjobs.com, Overseas Workers Welfare Administration, Philippine Overseas Employment Administration, Department of Education-National Capital Region (DEPED-NCR), University of Pasay, Department of Trade and Industries (DTI), Philippine Statistics Authority (PSA) at Postal ID.

 

Facebook Comments