DOJ, walang magagawa kundi ipatupad ang batas at polisya kaugnay sa COVID-19

Para kay Senator Sonny Angara, walang magagawa ang Department of Justice o DOJ kundi ipatupad ang mga umiiral na batas at polisya kaugnay sa COVID-19.

Pahayag ito ni Angara, makaraang manindigan si Justice Secretary Menardo Guevarra na dapat sundin ng Cebu provincial government ang kautusan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na obligadong pagsusuot ng face mask para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Ayon kay Angara, sa kamay ng IATF nakasasalalay ang pag-aaral kung kailangan pa rin bang obligahin ang pagsusuot ng face mask sa outdoor o sa mga bukas na lugar.


Nagtataka si Angara, kung bakit sa buong mundo ay tayo na lamang ang nagpapatupad ng polisiya ukol sa obligadong pagsusuot ng face mask.

Tanong ni Angara sa IATF, hindi ba suportado ng science na maliit na lang ang panganib o tyansa na makuha ang COVID-19 virus sa outdoor setting.

Facebook Comments