Kamakailan, pinagpiyestahan sa social media si Raffy Tulfo at kaniyang programa na “Raffy Tulfo in Action” matapos kumalat ang balitang pumapalo na umano sa P50 million ang kinita ng kanilang Youtube channel.
Ayon sa lumabas na ulat, tumaas ng todo ang kanilang revenue dahil maraming nanonood ng live broadcast sa naturang video-sharing website at mayroon na silang 5.3 million subscribers.
Sa panayam ng TV5 reporter na si MJ Marfori at PEP.ph noong nakaraang linggo, itinanggi ng beteranong mamamahayag ang nasabing spekulasyon.
“Nakakainsulto naman ‘yan. Di pa ginawang P100 million!” pabirong sagot ni Tulfo.
Pero sambit nito, “Hindi, wala po yun, walang katotohanan po yun.
“Actually, napanood ko rin yun, estimate lamang po yun na puwedeng mangyari at puwede ring hindi mangyari,” dagdag ng brodkaster.
Pagtitiyak ni Tulfo, malayong-malayo sa P50 milllion ang kanilang kinikita.
Aniya, nagmamaneho na dapat siya ng mamahaling sasakyan na ‘Rolls Royce’ kung ito ay may katotoohanan.
Ang kita ng programa sa Youtube channel ay sapat umano na ‘pantawid gutom’ at ‘pangtulong paminsan-minsan sa mga nangangailangan’.
Kasunod nito, nagpasalamat siya sa lahat ng taong sumusubaybay sa mga storyang tinatampok nila – dahilan para maging trending sila palagi.