RALLY | France may solusyon na para matigil na ang mga bayolenteng protesta

Bilang solusyon sa mga bayolenteng protesta kung saan daan-daan ang mga inaresto at libu-libo ang nasaktan, plano ng France na taasan ang minimum wage ng mga manggagawa nito.

Sa kaniyang pahayag, sinabi ni French President Emmanuel Macron na bukod sa umento sa sahod, hindi na rin itutuloy ng gobyerno ang pagpataw ng karagdagang buwis sa mga pension.

Simula sa Enero ng susunod na taon, madadagdagan ng 100 euros o halos 6,000 pesos ang minimum wage ng mga manggagawa.


Naniniwala si Macron na ang mga hakbang na ito ay magpapahupa tensiyon na bumabalot sa buong France dahil sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at planong pagpapatupad ng karagdagang buwis.

Facebook Comments