Rally kontra korapsyon, isinagawa rin sa Iligan City

Isinagawa rin sa Iligan City ang kilos-protesta laban sa korapsyon, kasabay ng nationwide rally na may parehong panawagan.

Sinimulan ang aktibidad sa motorcade mula Dalipuga hanggang Buru-un at sinundan ng programa. Mahigpit ding nagbantay ang pulisya at iba pang law enforcement unit para sa kaayusan.

Dahil sa bilyon-bilyong kaban ng bayan na nawawala dahil sa malakihang korapsyon, panawagan ng mga lumahok ang transparency at delikadesa umano ng mga opisyal, at pagkakaisa ng mamamayan.

Nilinaw rin ng mga organizer na wala silang panawagan ng karahasan at legal na kumuha sila ng permit.

Naniniwala sila na hindi solusyon ang kaguluhan at mas mainam ang demokratikong paraan para iparating ang boses ng taumbayan.

Dumalo rin sa kilos-protesta ang iba’t ibang sektor gaya ng PWDs, mga vendor, at ilang abogado upang ipanawagan ang mas maigting na laban kontra korapsyon.

Facebook Comments