Rally ng ilang transport group sa Lunes suportado ng grupong Laban – TNVS

Nagpahayag ng buong pagsuporta ang grupong Laban-Transportation Network Vehicle Services (TNVS) sa gagawing kilos protesta sa Lunes ng grupong ACTO upang tutulan ang Modernization Program ng gobyerno at panawagang pinagbibitiw si LTFRB Chairman Martin Delgra.

Sa ginanap na forum sa NPC sinabi ni Lawyers for Commuters and Safety Protection Atty. Ariel Inton na sinusuportahan nila ang isinusulong ng TNVS na dapat mayroong  magandang kongkretong polisiya ang LTFRB sa TNVS kung saan sinisilip nila ang mga anumalyang nangyayaring nagaganap sa loob ng LTFRB.

Ayon Atty. Inton, nagsisimula ang polisiya ng LTFRB na tinututulan nila ang TNVS ay dahil sa hatch back dahil hindi umano ligtas ang hatch back sa riding public.


Paliwanag ni Inton na humingi ng moratorium ang TNVS sa LTFRB para mabigyan ng prangkisa pero wala pang maibigay na prangkisa ang ahensiya at humingi ng desisyon pero hanggang ngayon ay wala pang desisyon ang LTFRB.

Giit ni Inton hindi makapagbiyahe ang TNVS at wala silang hanap buhay at kita, walang panggastos sa kanilang pamilya at walang panghulog sa kanilang sasakyan kaya walang katotohanan na mga colorum ang TNVS dahil hindi naman sila binigyan ng LTFRB sa kabila na nag-comply naman sila ng requirements sa ahensiya.

Facebook Comments