RAMADAN SA LUNGSOD NG CAUAYAN, MAAYOS NA IPINAGDIRIWANG

Cauayan City, Isabela- Naging maayos naman ang pagdiriwang ng Ramadan ng mga kababayang Muslim sa Lungsod ng Cauayan na sinimulan nitong ika-tatlo ng kasalukuyang buwan.

Ayon kay Ustad Saidali Asar, ng Teacher Arabic School, ng San Fermin Muslim Community, hindi naman nakakaapekto ang pandemya sa kanilang pagdiriwang ng Ramadan dahil sumusunod pa rin aniya sila sa health and safety protocols.

Sa pagsisimula ng Ramadan noong April 3 ay nag-umpisa na rin ang mga kababayang Muslim sa Lungsod sa kanilang pag-aayuno o fasting na kung saan ay bawal ang pag-inom, pagkain, bisyo maging ang pakikipagsiping sa asawa.

Pero pagsapit naman ng oras ng kanilang pagkain sa gabi o Suhor ay maaari na silang kumain at uminom.

Nilinaw rin ni Ustad Saidali Asar na exempted o hindi obligado sa mga bata, buntis, may sakit at mga matatandang may karamdaman ang pag-aayuno.

Kapag gumaling naman mula sa sakit ang isang muslim na hindi nakapag-ayuno ay babayaran pa rin nito ang araw na hindi ito nakapag-fasting o gagawin din ang pagtitiis.

Ayon pa kay Ustad Asar, mahalaga aniya na sa unang sampung araw sa buwan ng Ramadan nakahingi ng tawad sa Allah ang mga Muslim dahil ang buwan aniya ng Ramadan ay mapagpala.

Facebook Comments