RAMBOL | Magkapatid, patay matapos pagsasaksakin sa isang videoke bar sa Bacolod City

Bacolod City – Dead on the spot ang magkapatid matapos pagsasaksakin sa nangyaring rambol sa isang videoke bar sa Barangay Alijis, Bacolod City.

Nakilala ang mga nasawi na sina Jessie at Jonathan Naranja habang sugatan naman ang isa nilang kasamahan na si Jerry Martinez.

Sa imbestigasyon, nagbasag umano ng mga bote ng beer ang magkapatid bunga ng kanilang kalasingan kung saan isang lalaki sa videoke bar ang hinampas nila ng sinturon.


Nagalit ang hindi nakilalang lalaki at gumanti ito hanggang sa mauwi sa pananaksak saka siya mabilis na tumakas.

Facebook Comments