Ramon Tulfo, sinampahan ng panibagong libel case

Naghain ng panibagong kasong libelo si Executive Secretary Salvador Medialdea laban kay Manila Special Envoy to Beijing Ramon Tulfo.

Two counts ng libel at two counts ng cyber libel ang isinampa ni Medialdea laban kina Tulfo at mga editor ng Manila Times kabilang na si Dante Ang, President at Chief Executive Officer ng pahayagan; Blanca Mercado, Chief Operating Officer; Nerilyn Tenorio, Publisher-Editor; Leena Chuna, News Editor at Lynette Luna, National Editor.

Ito na ang ikatlong beses na naghain si Medialdea ng libel complaint laban kay Tulfo.

Ang pinakabagong reklamo ay nag-ugat sa column ni Tulfo sa Manila Times na nailathala noong July 25 at August 1.

Sa kanyang July 25 column, inakusahan ni Tulfo si Medialdea na pinipigilan daw nito ang pagpapalabas ng P272 million na cash reward para sa isang impormante na nagbigay ng tip para masamsam ang P1.3 billion na halaga ng smuggled crude oil noon pang 1997.

Mula sa reward money, nabanggit ng isang Vianney Garol na P72 million ay mapupunta raw kay Medialdea.

Muli itong naulit sa kanyang August 1 column kung saan tinawag pa niya si Medialdea na incompetent na Executive Secretary.

Si Medialdea ay humihingi uli ng 80 million pesos para sa moral damages, at 60 million pesos para sa exemplary damages.

Facebook Comments