Pinuna ng left-leaning party-list group ang posibleng pagsasagawa ng mga pulis ng random inspection sa mga backpack at personal na gamit ng mga magsasagawa ng kilos protesta sa araw ng SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Matatandaang sinabi ni PNP Chief Oscar Albayalde na bukod sa random inspections, magpapakalat din ng intelligence operatives na sasali sa mga raliyista bilang undercover cops.
Ayon kay Anak Pawis Party-list National Vice President Ariel Casilao – paglabag ito sa karapatan ng mga protester.
Dagdag pa ni Casilao na tila hindi iginagalang ng Philippine National Police (PNP) ang konstitusyon, bill of rights, freedom of expression, peaceful assembly at self-organization.
Pero una nang iginiit ni Albayalde na bahagi ito ng security measures na ipapatupad nila.