Random Manual Audit ng Comelec at Lente, tuluyan nang natapos

Tuluyan na ngang natapos  ngayong araw ng Comelec at Lente Philipines ang kanilang Random Manual Audit sa kabuuang 715  selected clustered precincts.

 

Ito ay Mula sa 246 legislative districts sa buong bansa.

 

Ngayong natapos na ang audit, ang ballot boxes ng sample precincts ay ibabalik na sa mga munisipalidad at city treasurer’s offices o ang prosesong tinatawag  na reverse logistics.


 

Nilinaw naman ni Comelec Commissioner Luie Guia na layon ng isinagawang audit na matukoy ang accuracy ng mga makina at hindi para sa electoral protest ng mga kandidato.

 

 

Kabilang sa tumutulong sa RMA ang mga voluteers mula sa DepEd, Philippine Statistics Authority, Comelec at Lente Philippines na binubuo ng mga abogado at paralegals.

Facebook Comments