Rape joke ni PRRD posibleng may epekto sa mga OFW – CHR

Manila, Philippines – Nagbabala ang Commission on Human Rights (CHR) sa gobyerno na maging maingat sa inilalabas nitong pahayag na maaring magpahamak sa mga Pilipinong manggagawa sa ibayong dagat.

Reaksyon ito ni CHR spokesperson, Atty. Jacqueline Ann de Guia sa pagbibiro ni Pangulong Duterte na may hinalay umano siya na katulong noong kaniyang kabataan.

Ipinaalala ni De Guia ang muntik nang pagkasira ng pandiplomatikong relasyon ng Pilipinas sa Kuwait dahil sa mga kaso ng pagkawala, pagkamatay at pang-aabuso sa mga OFW.


Dapat aniya ay maging consistent ang gobyerno sa mga kilos at binibitawang salita sa commitment nito na pangalagaan ang mga manggagawa sa labas ng bansa.

Sinabi pa ni De Guia na tayo ang dapat unang magpakita ng respeto sa mga manggagawa bago makuha ang proteksyon ng dignidad ng mga mangagawa sa ibayong dagat.

Facebook Comments