Tiniyak ni House Speaker Pantaleon Alvarez na hindi nila isasantabi ang iba pang mga heinous crimes sa ilalim ng panukalang pagbuhay sa death penalty.
Ayon kay Alvarez – isasama pa rin nila sa death penalty bill ang ilan pang mga karumaldumal na krimen lalo na ang kasong rape.
Mangyayari aniya ito kapag naibalik na rin nila ang parusang kamatayan sa mga drug-related cases.
Ipinaliwanag ng lider ng kamara na napagkasunduan ng mayorya na isa-isahin muna ang mga krimen at unahin na lamang ang drug related cases para mas mabalis daw na makalusot sa kapulungan ang death penalty bill.
Paglilinaw ito ni Alvarez matapos na magtanong si Pangulong Rodrigo Duterte noong Biyernes kung bakit inalis sa bersyon ng kamara ng death penalty bill ang mga kasong rape at plunder.