Pag-arbor ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte ng isang drug suspect, isiniwalat ni Lascañas

144

Ibinunyag ni dating SPO3 Arthur Lascañas na may inarbor na isang drug suspect sa kanya noon si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.

 

Sa kanyang muling pagtestigo sa senado, sinabi ni Lascañas na naganap ito noong 2014, kung saan ang unang utos ng nakababatang Duterte ay harangin ang van na sinasakyan ng isang Charlie Tan dahil may dala itong shabu.

 

Batay aniya sa utos ni Paolo Duterte, sa sandaling dumating ang van sa Davao ay kailangan itong escortan papunta sa isang barangay hall at sa sandaling makumpirma na may shabu nga ang van ay huhulihin si Charlie Tan.

 

Pero nang dumating aniya ang van ay tumawag sa kanya ang batang Duterte at sinabing huwag nang gawin ang nauna niyang utos.

 

Doon na aniya siya nagsimulang magduda sa kampanya ni noo’y Davao City Mayor Rody Duterte laban sa iligal na droga.

Facebook Comments