Rappler CEO Maria Ressa, pinayagan ng Korte Suprema na makalabas ng bansa

Pinayagan ng Supreme Court na makabiyahe sa abroad si Rappler CEO Maria Ressa.

Ito ay mula March 13 – April 1, 2023.

Si Ressa ay dadalo sa speaking engagements sa Canada, France, South Korea, at United States of America.


Magugunitang si Ressa ay convicted sa kasong cyber libel na isinampa ng negosyanteng si Wilfredo Keng.

May kaugnayan ito sa May 2012 na artikulo ng Rappler na nag-aakusa kay Keng sa pagpapahiram daw ng sports utility vehicle kay yumaong Chief Justice Renato Corona.

Facebook Comments