Raptors, malaki ang pag-asang makuha ang titulo sa NBA Finals

Photo Courtesy: House of Hoops

Nanalo man ang Golden State Warriors sa game 5 ng NBA Finals, malaki pa rin ang pag-asa ng Toronto Raptors na makuha ang titulo matapos magkaroon ng panibagong injury si Kevin Durant.

Dahil dito, mas magiging kritikal para sa Warriors lalo at dalawang panalo pa ang kailangan nila para muling masungkit ang kampeonato habang isang panalo na lang sa panig ng Raptors.

Sakaling makuha ng Raptors ang titulo sa NBA Finals, ay ito na ang kauna-unahan nilang panalo sa loob ng 24 years.


Samantala, nag-alala ang dalawang koponan sa panibagong injury ni Warriors most valuable player Kevin Durant.

Bukod kasi sa right calf injury ay nagkaroon si Durant ng Achilles injury sa ikalawang kwarter ng laro.

Matatandaang inilabas ng court si Durant sa first half ng game 5 na ginanap sa Scotiabank Arena sa Toronto, Canada dahil sa pananakit ng kanyang calf injury.

Facebook Comments