Rate reset ng Energy Regulatory Commission (ERC), magreresulta sa mas mababang singil sa kuryente sa Enero 2023

Magreresulta sa mas mababang singil sa kuryente ang rate reset ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Ayon kay ERC Chairperson Monalisa Dimalanta, maaaring maramdaman ang epekto ng rate reset sa Enero 2023.

Gayunpaman, wala namang nabanggit si Dimalanta na kung magkano ang katumbas na halaga nito.


Paliwanag pa ng opisyal, maibabalik ang balanseng regulasyon sa sektor ng transmisyon sa inamyendahang ng Rules for the Setting of Transmission Wheeling Rates (RTWR).

Kinokonsidera kasi rito ang proteksyon ng mga konsyumer laban sa mataas na electric bill sa pamamagitan ng pagsuma sa lahat ng aktuwal na naging gastos sa pagpapatakbo ng rate at investment ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Nabatid na ang RTWR ay ang mga patakaran na siyang nagtatakda kung magkano ang dapat singilin sa mga konsyumer ng NGCP, na nagpapatakbo sa mataas na boltaheng linya sa buong bansa.

Facebook Comments