Pinay na empleyado ng bar sa Hong Kong, arestado sa pagbibigay ng pekeng COVID test result ng customers

117

Isang 63 taong gulang na Filipina na empleyado ng isang bar sa Hong Kong, ang inaresto ng mga awtoridad.

Ito’y matapos na magpakita sa mga pulis ng pekeng negatibong resulta ng COVID-19 test ng kanilang customers sa bar.

Sa ilalim kasi ng health protocols ng Hong Kong government, kailangang magprisinta ang may-ari ng bar ng negatibong rapid test result ng customers at staff ang management ng bar.


Sa ginawang pag-inspeksyon ng Hong Kong Police sa naturang establishment, nagprisinta ang Pinay bar staff ng pekeng negatibong test results.

Bukod sa Pinay, arestado rin ang 37 taong gulang na Nepalese na may-ari ng bar.

Facebook Comments