Re-investigation sa pork barrel fund scam, opisyal nang sinimulan ng Dept. of Justice

Manila, Philippines – Opisyal nang sinimulan ng Department of Justice ang re-investigation sa multi-bilyong pisong pork barrel fund scam.

Ito ay matapos na ipag-utos ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang re-organization sa task force pdaf para sa muling pagbuhay sa imbestigasyon.

Ayon kay Aguirre, itinalaga niya si Undersecretary Antonio Kho para pangunahan ang grupo ng mga prosecutor at NBI agents sa pagsusuri sa mga ebidensyang isusumite ni pork barrel scam queen Janet Lim Napoles.


Ang naturang team ang siyang papalit sa task force ng NBI na binuo ni noo’y Justice Secretary Leila De Lima na nagsagawa ng fact finding investigation na naging dahilan para makulong ang mga senador na si Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla.

Kasabay nito, tiniyak ni Aguirre na sa kanilang imbestigasyon ay hindi magkakaroon ng selective justice tulad nang nangyari noong nakaraang administrasyon.

Facebook Comments