Hiniling sa pamahalaan ng dating tourism secretary na isailalim na sa re-training ang mga manggagawa sa tourism sector para manumbalik ang sigla ng industriya na matinding tinamaan ng COVID-19 pandemic.
Sinabi ni dating Department of Tourism (DOT) Secretary Narzalina Lim na dapat ay simulan na ng gobyerno ang baby steps sa mga pilot areas para makabawi ang sektor ng turismo partikular sa isla ng Panay, Bohol at iba pang local tourist destinations.
Sinabi ng dating kalihim na inaasahan na nila na hangga’t may banta ng pandemic ay magpapatuloy ang ganitong trend.
Una nang inanunsyo ng Tourism Department ang daang-milyong pisong lugi sa tourism industry dahil sa COVID-19 pandemic.
Facebook Comments