RECALL PETITION | Ilang residente ng San Juan City, nag-rally sa harap ng tanggapan ng COMELEC; Recall petition sa pagka-alkalde, ipinanawagang aksyunan na

Manila, Philippines – Nag-rally sa harap ng tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) ang ilang residente ng San Juan City para ipanawagan ang pag-aksyon sa inihain nilang recal petition para sa pagka-alkalde sa lungsod.

Ito ay para masimulan na ang verification of signatures para sa 30,000 pumirma sa nasabing petisyon.

Nakasuot ng itim na damit ang hindi bababa sa 100 residente ng San Juan habang bitbit ang mga tarpaulin na may nakasulat na “Let the People of San Juan City Decide!”


Ayon kay dating Vice Mayor Francis Zamora – “loss of confidence” kay San Juan City Mayor Guia Gomez ang dahilan ng petisyon.

Naniniwala naman si Zamora na hinaharang ng kampo ni Gomez ang pagsasagawa ng COMELEC ng verification of signatures.

Facebook Comments