Recruitment Agency ni Jullebee Ranara, nanindigan na hindi nagpabaya

Nanindigan ang Recruitment Agency ni Jullebee Ranara na hindi sila nagpabaya sa pag-mo-monitor nito sa kanyang kalagayan sa kanyang amo bago ito napabalitang pinatay ng anak ng kanyang employer sa Kuwait.

Ayon Kay Atty. David Castillon, abugado ng Catalist international Manpower Services ang Recruitment Agency na nagpapaalis kay Jullebee Ranara.

Paliwanag ni Castillon may obligasyon din ang foreign recruitment agency na i-monitor ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) dahil sila ang nasa jobsite at counterparts ng agency sa Pilipinas.


Iginiit din ni Castillion na wala silang natanggap na report ukol sa kalagayan ni Ranara dahil active naman anya ito sa kanyang social media account.

Napag-alaman na lamang umano ng agency ang balita na patay na si Jullebee at wala itong ibinigay na impormasyon sa ahensya maliban sa kanyang pamilya tungkol sa dinanas nito sa anak ng kanyang amo bago matagpuan ang sunog na bangkay ni Ranara.

Umapela ang recruitment agency ni Ranara sa Department of Migrant Workers (DMW) na pag-aralan munang mabuti bago ipasara ang ahensya dahil maraming maapektuhan OFWs kabilang ang hindi pa nakakaalis at na-deploy na dahil wala na anyang mag-mo-monitor sa mga OFW sa kanilang kalagayan at aalalay sa ibang bansa.

Facebook Comments