Recruitment ng 17,000 na bagong pulis, aprubado na ng NAPOLCOM

Inaprubahan na ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang recruitment ng 17,000 mga bagong pulis.

Sa pamamagitan ng isang NAPOLCOM En Banc Resolution, pinagtibay na ang rekomendasyon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año noong April 27, 2021 para sa pagkuha ng 17,314 na bagong pulis.

Ayon kay NAPOLCOM Vice Chairman Vitaliano Aguirre, nasa 1,000 pulis mula sa mga bagong recruit ang ide-deploy sa National Capital Region (NCR)


May mga itatalaga rin sa mga regional offices ng Philippine National Police (PNP) at sa mga national services units.

Paalala ni Aguirre, kailangang sumunod ang mga hepe ng PNP units at mga screening committee sa rules and regulations ng recruitment.

Facebook Comments