Recruitment ng Ansar Al Khilafa Philippines sa isang sa South Cotabato inaalam ng PNP

General Santos City—Inaalam pa ngayon ng Polomolok Municipal Police Station ang report na pangrerecruit umano ng Local Terror group na Ansar Al Khilafa Philippines-ISIS Inspired Group at kaalyano ng Maute Terror Group.

Sa panayam ng RMN Gensan News Team kay Police Chief Inspector Alex Joe Orcajada, Hepe sa Polomolok Municipal Police Station kinumperma nito na silay nakatanggap ng report na nang rerecruit ang nasabing grupo sa ilang liblib na barangay sa nasabing bayan.

Dahil dito, nagsagawa na sila ngayon ng imbistigasyon para ma-validate ang nasabing impormasyon.


Sinabi pa ni Orcajada na kumpermado ang presensya ng AKP sa bayan ng Polomolok.

Matatandaan na nuong isang linggo, patay sa inilusad na buybust operation ng Polomolok PNP ang isang kasapi ng nasabing grupo na si Mudz Nilong Alias Mudz Sulaiman matapos itong nanlaban sa pulisya.

Facebook Comments