Recruitment ng local terrorist sa South Cotabato pinabulaanan

Hindi totoong may nagaganap na recruitment ng Al Khilafah Philippines Group sa lalawigan ng South Cotabato. Ito ang naging pahayag ni 27th IB commanding officer Lt.Col Benjamin Leander.
Masusi umano nilang minomonitor ang sinasabing recruitment ng mga terorista sa lalawigan.
Binabantayang maigi ng mga sundalo ang mga lugar na puwedeng maging entrance point ng mga local terrorist tulad ng Maute group sa Marawi City.
Matatandaang napatay ng militar ang bomb expert ng local terrorist group na si Mohammad Jaafar Maguid alyas Tokboy sa Kiamba , Saranggani Province noong buwan ng Enero ng taong kasalukuyan.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments