Nagdeklara ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng red tide alert sa ilang lugar sa 13 probinsya sa bansa.
Ito ay makaraang magpositibo sa paralytic shellfish poison ang mga nakolektang shellfish sa mga sumusunod na coastal waters:
Inner Malampaya Sound, Taytay sa Palawan
Sorsogon Bay sa Sorsogon
coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City, Bohol
Tambobo Bay, Siaton sa Negros Oriental
coastal waters ng Daram Island, Zumarraga, San Pedro at Cambatutay Bays sa Western Samar
coastal waters ng Calubian, Leyte, Carigara Bay, Ormoc Bay at Cancato Bay, Tacloban City coastal waters ng Biliran Islands
coastal waters ng Guiuan at Matarinao Bay sa Eastern Samar
Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur
Balite Bay, Mati City sa Davao Oriental
Lianga Bay at coastal waters ng Hinatuan, Surigao del Sur
Murcielagos Bay at coastal waters ng Ozamiz City, Misamis Occidental
Taguines Lagoon, Benoni, Mahinog sa Camiguin
Kaugnay nito, bawal munang kumain ang lahat ng uri ng shellfish at alamang.
Habang ligtas kainin ang isda, pusit, hipon at alimango basta sariwa at hinugasang mabuti bago lutuin.