Manila, Philippines – Pinapaimbestigahan ni Senator Antonio Trillanes sa Senado ang umanoy pagtatago ng mga myembro ng gabinete ng mahahalagang impormasyon sa kanilang Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN.
Ang hakbang ni trillanes ay base sa report ng Philippine Center for Investigative Journalism o PCIJ na redacted ang saln ng 28 miyembro ng gabinete.
Tinakpan umano o nilagyan ng shade ng mga miyembro ng gabinet ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang impormasyon sa kanilang SALN na karamihan ay patungkol sa kanilang yaman.
Sa senate resolution number 514, ay ikinatwiran ni Trillanes na ang redacted saln ay maaring paglabag ng mga myembro ng gabinete sa Republic Act 6713 o code of conduct and ethical standards for public officials at hindi rin pagsunod sa guidelines ng civil service commission ukol sa SALN.
Giit pa ni Trillanes, utos ng konstitusyon na isumite at isapubliko ang mga saln ng mga taga gobyerno.
Ipinaalala pa ng Senador ang pag impeach noon kay dating Chief Justice Renato Corona dahil sa maling deklarasyon sa SALN.