Maaaring lumahok ang mga refugees at iba pang foreign nationals sa mga isasagawang job and business fairs sa Labor Day (May 1).
Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) – Bureau of Employment Director Dominique Tutay – bukas sa lahat ang simultaneous job at business fair.
Ipinunto naman ni Tutay na ang mga refugee sa Central Luzon ay exempted sa pag-secure ng Alien Employment Permit (AEP) kapag mag-a-apply ng trabaho.
Sa ngayon, may iba’t-ibang government agencies na ang sumang-ayon na i-exempt mula sa requirements ang mga refugees.
Facebook Comments