Refund sa singil ng kuryente, umpisa na sa buwan ng Hunyo ayon sa Energy Regulatory Commission

Manila, Philippines – Inanunsyo ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang refund sa singil ng kuryente.

Ayon kay ERC spokesperson Rexie Baldo-Digal – asahan na sa June bill ng mga customer ng Meralco ang paunang refund na 75-centavos kada kilowatt hour.

Susundan pa ito ng 75-centavos per kilowatt hour para sa buwan ng Hulyo at Agosto.


Layo aniya nito na maisoli ng Meralco ang kanilang over collection.

Pero sinabi ni Digal na may mga petisyon din sila na humihirit ng dagdag singil.

Paliwanag naman ni Renewable Energy Board National Chairman, Atty. Jose Layug, Jr. – layon ng taas singil para mahikayat na gamitin ang mga malinis na napagkukunan ng kuryente gaya ng solar, wind at hydro.

Giit naman ni National Power Corporation (NAPOCOR) President, Pio Benavidez – kailangang magtaas ng singil para mabawi naman ang bilyong pisong gastos sa mga torre na natumba dahil sa bagyo, baha at lindol at iba pang sakuna.

Pero may plano na ang NAPOCOR para maipababa ang gastos.

Tiniyak naman ng ERC sa mga konsumer, bubusisiin nila ang lahat na mga hirit na dagdag singil at sakaling maaprubahan man, gagawa sila ng paraan para hindi magiging masakit ang epekto sa bulsa ng mamamayan.

 

Facebook Comments