Rice cartel, pinabubuwag ni Agriculture Secretary Manny Piñol

Manila, Philippines – Tiniyak ni Agriculture Secretary Manny Piñol na bubuwagin ang mga rice cartel na kumokontrol sa produksyon ng bigas at presyo ng palay.

Ayon kay Piñol – pakana ng mga rice cartel ang napaulat na taas presyo ng bigas sa gitna ng pag-angal ng ilang bigas na namahal ng 50-pesos kada kaban o piso kada kilo.

Dagdag pa ng kalihim – pinapalabas umano ng mga cartel na kulang ang suplay ng bigas para mapwersa ang gobyerno na umangkat ng bigas


Inirekomenda na ni Piñol kay Pangulong Duterte ang pagbuo ng Task Force Bigas.

Sinabi naman ni National Food Authority (NFA) spokesperson Mayette Ablaza – normal lamang ang taas singil ito dahil patapos na ang pag-aani at papasok naman ang pagtatanim.

Siniguro rin ni Piñol, sapat ang suplay ng bigas sa bansa.

 

Facebook Comments