REGALO | Bloodletting drive ilulunsad sa kaarawan ni Cardinal Luis Antonio Tagle

18

Manila, Philippines – Umapela si His Eminence Luis Antonio G. Cardinal Tagle sa publiko na mag-donate ng dugo bilang pagalala sa kanyang 61st birthday sa Huwebes, June 21.

Ayon kay Cardinal Tagle sa darating na Huwebes ay maglulunsad ng bloodletting activity sa June 21 na tinawag na “RCAM Celebrating Life Year XI – bilang regalo ng kaarawan ng Archbishop.

Base sa sulat na ipinakalat sa mga employees, seminaries, at parish personnel ng Archdiocese of Manila na may petsang May 30, 2018, umapela si Rev. Fr. Sanny de Claro, Director, Human Resource Department sa publiko na mag-donate ng dugo sa kaarawan ni Tagle.

Dagdag pa ni De Claro na ang Human Resource Development Department ng Roman Catholic Archbishop ng Manila ay umapila sa publiko na mag -alay ng dugo sa June 21, 2018.
Ang bloodletting activity aniya ay magsisimula mula alas 8:30 a.m. hanggang 3:00 p.m. sa 4th floor of Arzobispado building sa Intramuros Manila.

Ang naturang aktibidad ay sa pakikipag-ugnayan ng Philippine Red Cross.

Facebook Comments