Regine Velasquez, ayaw tanggapin ang pagiging “Queen of OPM”

60

Nagsalita si Asia’s Song Bird Regine Velasquez-Alcasid hinggil sa pagiging “Queen of Original Pilipino Music (OPM)” nito.

Para kasi sa maraming Pilipino at mga fans nito, si Regine ang itinuturing nilang reyna ng OPM dahil sa 35 years na ito sa music industry.


Say ng music icon, kahit ang pangalang Regine ay “queen” ang ibig sabihin, hindi raw sya isang queen.

Bagamat flattered at grateful siya para sa titulo, hindi siya ang reyna ng lahat.

Pabiro pang sabi ng song bird, hindi naman raw si Prince Charles ang tatay nya at hindi rin siya dugong bughaw.

Facebook Comments