Pinanuod ng unkabogable star na si Vice Ganda ang pre-valentine concert ng Asia’s Song Bird na si Regine Velasquez sa MOA Arena nitong sabado, February 10. Ibinahagi ng It’s Showtime host kahapon sa kanyang instagram stories ang larawan ni Regine na kuha sa kanyang concert. Sa caption nito, “@reginevalcasid has always been my hero. Seeing her and hearing her sing make me feel alright. The Lord uses her to heal me.” Ito ang unang public appearance ni Vice matapos sumailalim sa operasyon upang tanggalin ang kidney stones sa kanyang katawan.
Facebook Comments