Cauayan City, Isabela – Tatlong (3) panibagong kaso ng COVID 19 dito sa Region 2 ang kinumpirma ngayong araw, April 4, 2020 na ito ng DOH Region 02.
Dalawa (2) dito ay mula sa Cagayan at ang isa (1) ay sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.
Ayon kay DOH 2 OIV Regional Director Dr. Leticia Cabrera, ang pinaka bagong kasi ay kinabibilangan ng isang 35 taong gulang na babae, isang health worker, mula sa Ballesteros, Cagayan. Siya ay kasalukuyang naninirahan sa Tuguegarao City.
Una siyang nakaranas ng pananakit ng lalamunan, agad siyang nagpakonsulta noong April 27 ng Abril.
Ang pangalawang kaso ay isang 53 taong gulang na babae na isa rin health worker na mula sa Tuguegarao City.
Wala siyang history travel sa mga lugar na may positibong kaso ng COVID 19, ngunit napagalaman na nagkaroon ng posibleng pagkakahawa matapos gampanan ang tungkulin bilang isang health worker sa Isolation Ward ng ospital na kanyang pinagsisilbihan.
Siya ngayong ay walang sintomas ng sakit. Ang dalawang bagong pasyente ay nasa pangangalaga ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC).
Ang pangatlong kaso ay isang 25 taong gulang na lalaki mula sa Aritao, Nueva Vizcaya.
Siya ay nakaroon ng sipon at lagnat, at nakaranas ng hirap sa paghinga na nagsimula noong April 20. Ang pasyente ay unang dinala sa Nueva Vizcaya Provincial Hospital (NVPH) noong April 24 taong kasalukuyan.
Nakuhanan siya ng swab test kinabukasan at dumating ang resulta ngayong araw lang na ito na nagsasabing positibo siya sa virus.
Sa kasalukuyan, naka admit ang pasyente sa Region 2 Trauma and Medical Center (R2TMC).
Ang contact tracing para sa lahat ng posibleng nakasamaluha ng mga nagpositibong kaso ay kasalukuyan nang isinasagawa ng DOH sa pamamagitan ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit, katuwang ang DILG sa pamamagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan at Nueva Vizcaya, Pamahalaang Panglungsod ng Tuguegarao at Lokal na Pamahalaan ng Aritao.
Bunsod ng nalalapit na pagbabago ng mga alituntunin ng magiging estado ng community quarantine sa iba’t-ibang mga lugar sa rehiyon, ipanawagan sa publiko na hangga’t hindi bumababa o nawawala ang bilang ng mga positibong kaso, maging ang lahat ng suspect at probable na kaso ay hindi maaaring ipagsawalang bahala ang kaligtasan.
Hinihikayat ang mga kamag anak at huling nakasama ng mga panibagong pasyente na makipagtulungan sa contact tracing para mapigilan ang pagkalat ng virus.