Cauayan City, Isabela – Nasa anim na gintong medalya na ang nasungkit ng rehiyon dos sa kasalukuyang Palarong Pambansa sa Vigan Ilocos Sur.
Ayon kay Dr. Ferdinand Narciso, Public Information Officer ng DepEd Region 2 na malaki ang paniniwala nila na aangat ngayon ang ranking ng region 2 para sa Palarong Pambansa 2018.
Ito ay dahil sa may mga atleta umano ngayon na may malaking potensyal na makakuha ng gintong medalya. Ito ay dahil sa may unofficial umano na lima hanggang pitong silver na sa larong takewondo, gymnastic at dancesport.
Dagdag pa ni Dr. Narciso na sa mga atleta mula sa Isabela ay may mga kabilang na nakakuha ng gold ngunit marami din umano ang mga muntikang makasungkit ng gold kung saan mga segundo o points lamang ang kalamangan kung kayat malaki ang pag-asa na madaragdagan pa sa mga susunod na araw ang gintong medalya ng rehiyon dos.
Samantala hanggang sa ngayon ay nasa mabuting kalagayan pa rin ang deligasyon ng rehiyon dos sa kabila na may mga lugar na malayo ang ibang venue ng mga laro sa Palarong Pambansa.
Nasa pang-apat na araw na ngayon ang Palarong Pambansa na isinasagawa sa Vigan Ilocos Sur kung saan ito ay hanggang sa ika dalawamput isa ng buwang kasalukuyan.