Cauayan City, Isabela- Nangako ng suporta ang Cagayan Valley Regional Agricultural and Fishery Council upang tuluyang ng maalis ang sakit ng mga alagang baboy na African Swine Fever na nakaapekto sa kabuhayan ng mga hog raisers sa buong rehiyon.
Sa isang pahayag, sinabi ni RAFC Chairperson Isidro Acosta Sr. na ang kanilang konseho ay nakikipag-ugnayan na sa Department of Agriculture Regional Field Office No. 02 at sa iba pang stakeholder’s para sa matagumpay na pagpapatupad ng BABay ASF (Bantay ASF sa Barangay).
Sa kabila ng patuloy na pagtaas ng kaso ng ASF sa rehiyon, maagang pagtukoy sa mga baboy na apektado ay kinakailangang makontrol ang pagkalat nito at maiwasan ang dagdag pa na pagkamatay ng mga alagang baboy lalo pa’t wala pang gamutan o bakuna ang magagamit para sa naturang sakit ng baboy.
Tiniyak ng RAFC na tutulong sila sa pagbabantay sa mga kaso ng ASF sa mga apektadong lugar gayundin ang pagmonitor sa mga presyo ng baboy.
Magiging katuwang rin sila sa pag-validate ng mga listahan ng traders at ang pagbibigay daan sa solusyon upang mapigilan ang kaso ng ASF gayundin ang pagsasagawa ng hog population survey sa mga backyard at commercial farms.