REGIONAL DAIRY CARAVAN AT TRADE FAIR, ISINAGAWA SA BAYAN NG BAYAMBANG BILANG SELEBRASYON NG NUTRITION MONTH 2023

Natuto ng ibat ibang kasanayan ang mga Barangay Nutrition Scholars sa bayan ng Bayambang matapos sumailalim sa training na isinagawa ng Regional Dairy Safety Officers mula sa National Dairy Authority bilang bahagi ng Dairy Caravan at Trade Fair ng Regional Dairy Farmers Livelihood Center-North Luzon katulong ang Nutrition Office at Agriculture Office.
Ang pagsasagawa nito ay bilang selebrasyon ng Nutrition Month 2023 kung saan sa training ay tinalakay ang mga paksang, “Milk and Dairy Technology,” “Milk Safety and Quality,” at “Milk and Milk Products Processing.”
Nagkaroon rin ng product demo bilang parte ng naturang aktibidad at ipinakita ang mga proseso sa paggawa ng mga dairy products mula sa gatas ng kambing at baka.
Ang pagkakaroon rin ng training na ito ay nagbigay ng kaalaman kung saan mas abot kaya ng mga konsyumer ang pagtangkilik sa mga mga produkto ng mga lokal na kooperatiba, lalung-lalo na ang fresh milk.| #ifmnews
Facebook Comments