Iprinisenta ng Philippine Statistics Authority-ARMM sa mga opisyales at mga empleyado ng iba’t-ibang line agencies sa rehiyon ang resulta at demographic and socioeconomic characteristics ng 2015 Census Population sa isinakatuparang Data Dissemination Forum.
Inihayag ni PSA-ARMM Regional Director Abubakar S. Asaad, ang forum ay naglalayong mas maunawaan ng stakeholders ang kahalagahan ng statistics.
Ang 2015 Census of Population (POPCEN 2015) ay ang ika-14 na pagkuha at pagtatala ng populasyon sa bansa mula nang maisagawa ang unang sensos noong 1903.
Ang pinakalayunin nito ay para maibigay sa mga tagapagplano ng gobyerno, mambabatas at administrators ang datos ng populasyon na s’ya namang magiging basehan para sa social and economic development plans, policies and programs.
Sinabi naman ni ARMM Executive Secretary Atty. Laisa Alamia, napakahalaga ng naturang forum, dapat na masiguro na hindi lamang ang gobyerno ang may interes sa datos kundi ang lahat ng stakeholders sa lupunan, dapat anya na alam ng lahat ang mga resulta ng serveys na isinagawa sa bansa, partikular sa ARMM.
Regional Data dissemination forum, isinagawa ng PSA-ARMM!
Facebook Comments