Regional Mobile Force Batallion 2, Kampeon sa PRO2 Civil Disturbance Management Competition

Camp Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City – Itinanghal na kampeon ang Regional Mobile Force Batallion 2 (RMFB2) sa ginanap na Civil Disturbance Management Competition ng PRO2 kahapon, April 25, 2018.

Tinanggap mismo ni RMFB2 Force Commander, PSUPT Julius Cecil S. Ordoño ang kanilang tropeo na may kasamang cash prize na nagkakahalaga ng pitong libong piso.

Bukod sa kanilang nakuhang kampyonato ay nanalo rin ang naturang battalion sa mga kategorya gaya ng Best In Uniform, Phase 1-Graded Inspection, Phase 2- Demonstration of the 8 Basic CDM Formation at Phase 3-Problem Based Scenario.


Nakuha naman ng Santiago City Police Office (SCPO) ang unang pwesto at pangalawa sa best in Uniform habang pangalawa naman sa pwesto ang Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO).

Pinaalalahanan naman ni Commission on Human Rights 2 (CHR2) Regional Director Atty. Jimmy P. Baliga ang mga kapulisan na laging gawin ang kanilang mga operasyon sa maayos at tamang paraan para sa kaligtasan ng taumbayan.

Layunin umano ng naturang patimpalak na suriin ang antas at lebel ng kanilang kahandaan pagdating sa suporta at negosasyon sa taumbayan, pag aresto sa mga suspek, monitoring, SWAT, chemical, medical at fire protection.

Facebook Comments