Regular na trabaho, alok ng PESO Manila

Manila, Philippines – Regular na trabaho ngayon ang inaalok ng PESO Manila sa kanilang kauna-unahang mega job fair na ginaganap sa kartilya ng Katipunan sa tapat ng Manila City Hall.

Nagsimula ang aktibidad ng alas-10:00 ng umaga kung saan umaabot na sa halos 300 Manileños ang nagparehistro.

Nasa 60 local companies ang pwedeng aplayan sa mega job fair habang 6 na overseas companies din ang nakilahok dito.


Ayon kay Fernan Bernejo, manager ng PESO Manila, Nagkaroon muna sila ng employers forum bago nagsagawa ng job fair para masigurong magkakaroon ng trabaho ang mga aplikante at maabot din nito ang layunin ng lokal na pamahalan na trabaho para sa Manileño.

Sinabi pa ni Bernejo na nasa 1,000 job vacancies ang inaalok ng mga nakibahaging kumpaniya kung saan plano pa nilang magsagawa ng lima pang job fair sa ilang bahagi ng Maynila sa susunod na taon katuwang ang Radyo Trabaho ng DZXL 558.

Hanggang alas-6:00 ng gabi ang mega job fair ng PESO Manila kaya at patuloy silang nag-iimbita sa mga walang trabaho na magtungo sa kanilang venue baka sakaling isa sila sa maswertreng magkakaroon ng trabaho.

Facebook Comments