Regularisasyon sa mga brgy officials, isinulong nina Sen. Angara at Pimentel

Manila, Philippines – Kapwa isinulong nina Senators Sonny Angara at Koko Pimentel ang Magna Carta for Barangays para sa malawakang reporma na maghahatid ng pag-unlad sa mga barangay sa buong bansa.

Ayon kay Angara na siya ring chairman ng Committee on Local Government, pangunahing itinatakda ng panukala na gawing regular na empleyado ng gobyerno ang mga barangay captain at iba pang opisyal ng barangay.

Kapag nangyari ito ay tatanggap din sila ng nararapat na sahod at benepisyo tulad ng natatanggap ng iba pang manggagawa sa pamahalaan gobyerno.


Sabi naman ni Senator Pimentel, nakapaloob din sa panukala ang otomatikong pagkakaroon ng barangay ng share sa mga buwis at iba pang koleksyon mula sa mamamayan na sakop ng hurisdiksyon nito.

Facebook Comments