Manila, Philippines – Minamadali na ng pamunuan ng Department of Interior and Local Government ang rehabilitasyon upang matugunan agad ang problema ng mga residente na nawalan ng tirahan dahil sa matinding bakbakan sa pagitan ng Maute group at tropa ng pamahalaan sa Marawi City.
Ayon kay DILG OIC Catalino Cuy dapat maitayo kaagad ang pansamantalang silungan at Evacuation Center sa mga Evacuees sa oras na makabalik sila sa kani-kanilang mga Brgy. sa Marawi City.
Sabi ni Cuy ang malaking bilang ng mga Evacuees na pansamantalang nanuluyan ngayon sa Iligan City ay problemado sa kanilang pagbalik sa Marawi City dahil tiyak nasira na ang kani-kanilang mga bahay dahil sa patuloy na airstrike ng tropa ng pamahalaan sa mga nagtatagong mga miyembro ng Maute group.
Paliwanag ni Cuy pinulong niya ang AFP, PNP, iabng DILG Regional at Field Personnels at maging ang Assemblyman ng Lanao Del Sur First District upang agarang matugunan ang ibat ibang isyu na kinakaharap nila ngayon sa Marawi City.
Giit ng opisyal pino-proseso na ng DILG para alamin at kilalanin ang internally Displaced Persons na talagang nawalan ng tirahan dahil sa nagpapatuloy na bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Maute group.