Pagkakakilanlan ng ina na nag-iwan ng sanggol sa NAIA, hindi pa rin matukoy

182

Manila, Philippines – Blangko pa rin ang Manila International Airport Authority sa pagkakakilanlan ng ina na nag-iwan ng bagong silang na lalaking sanggol sa cubicle ng palikuran sa NAIA 1 kahapon

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Airport Police Department kaugnay ng nasabing insidente.

Ayon kay Maricel D. Guliman, lady attendant sa comfort room,isang babae na nakasuot ng blue jeans at may dalang bag ang huling nakita niyang pumasok sa cubicle ng CR.


May dala aniya itong bag at binasa muna ng tubig ang kanyang panyo bago pumasok sa cubicle.

Nagduda na aniya siya paglabas ng babae at agad niyang tiningnan abg cubicle paglabas nito at doob niya nakita na may mga dugo ang toilet bowl

Sinabi pa ni Guliman na agad siyang tumawag ng security guard lalo na’t may napansin siyang puti na plastic bag sa loob ng trash bin.



Patuloy namang naka-confine ang sanggol sa Pasay City General Hospital.

Facebook Comments