REHABILITATION | Mga senador, umaasang matutuloy ang mas maagang pagbubukas ng Boracay

Aklan – Mga senador, umaasang matutuloy ang mas maagang pagbubukas ng Boracay.

Umaasa sina Senadora Cyntha Villar at Minority Leader Franklin Drilon na matutuloy ang target na pagbubukas ng Boracay sa unang linggo ng Setyembre o mas maaga ng isang buwan sa unang plano na Oktubre.

Pahayag ito nina Villar at Drilon makaraang ihayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Interior and Local Government (DILG) sa pagdinig ng Senado na sinisikap nilang mapaaga ang pagbubukas muli ng Boracay.


Ayon kay Senadora Villar, sana ay maging matagumpay ang rehabilitasyon na isinasagawa ngayon sa Boracay na nagsimula noong Abril.

Sabi naman ni Senador Drilon, makabubuting maibalik na agad ang operasyon ng Boracay para maibalik na rin ang kabuhayan at trabaho ng ating mga kababayan sa isla.

Facebook Comments