Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na prayodidad ng pamahalaan ang rehabilitasyon ng Marawi City sa oras na matapos ang gulo doon at ideklarang ligtas na ng Armed Forces of the Philippines.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nagsisimula nang gumawa ng plano ang kamara para sa rehabilitasyon ng lungsod.
Ang Appropriations Committee aniya ng Kamara ay gumagawa na ng mga paghahanda para sa rehabilitasyon ng Marawi City upang agad na maibalik sa normal ang buhay ng mga residenteng matinding naapektuhan ng kaguluhan.
Tinyak din naman ni Abella na magiging Culturally sensitive ang gagawin rehabilitasyon dahil isang Islamic City ang Marawi kaya kailangang nasusunod ang mga Islamic beliefs sa pagtatayo ng mga imprastraktura.
Una nang sinabi ni AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla na hindi iiwan ng AFP ang Marawi City na nakatiwangwang at tutulong sila sa rehabilitasyon nito.
DZXL558
Rehabilitation plan para sa Marawi City, inilalatag na ayon sa Palasyo
Facebook Comments