Reklamo laban sa isang power company na isinampa ng anti-corruption group kay Sen. Pacquiao, pina-aaksyunan na ng ombudsman

Hiniling na ng Office of the Ombudsman kay boxing champ at Senator Manny Pacquiao ang aksyon nito sa ethics complaint na inihain sa senado ng isang anti- corruption group laban kay dating senador at ngayon ay Antique Congresswoman Loren Legarda.

Sa July 15 letter na ipinadala ng anti-graft body kay Senator Pacquiao, hiniling ng ombudsman na ipaalam sa complainant ang kaniyang aksyon at bigyan din sila ng kopya nito.

Ito ay may kinalaman sa reklamo ng anti-trapo movement sa senate ethics committee, na pinamumunuan ni Pacquiao na kumukwestyon sa panghihimasok ni Legarda sa franchise application ng solar para sa bayan corporation. Ang SPBC ay isang power company na pagmamay-ari ng anak ni Legarda na si Leandro Leviste.


Ayon kay Leon Peralta ng ATM, hanggang sa ngayon ay wala silang narinig na ginawa si Senator Pacquiao kaya’t napilitan na silang dumulog sa ombudsman.

Facebook Comments