Reklamo ng Isang Government Official sa GSIS – Naga, bingyang-Aksyon, Manager nagpahayag ng paglilinaw kaugnay ng CUT-Off time para sa pag-aasikaso ng mga kliyente

Hindi po ganun. “what happened (yesterday) was just an isolated incident and was just an unfortunate case of misunderstanding between the frontline services division and the security guards. Ito ang naging pahayag ni GSIS – Naga Manager Celeste Ferreras kaugnay ng post ni Municipal Kagawad Jonas Cabiles Soltes ng bayan ng Tinambac, Camarines Sur.
Sa unang post ni Soltes, bingyang-pansin ng opisyal ang naging mahirap na karanasan ng mga kliyente ng GSIS-Naga kahapon, June 22, kung saan simula alas 9 ng umaga hanggang hapon ay naghintay silang makapag-proseso ng kanilang transaction sa nasabing tanggapan. Kasama sa mga naghintay ang nabanggit na opisyal ng Tinambac. Ayon pa kay Soltes, pinaghintay sila maghapon at nang sumapit ang alas 2 ng hapon ay sinabihan silang cut-off na at pinapapabalik na lamang kinabukasan.
Nadismaya ng husto si Soltes at ito ang nagbunsod sa kanya na magpahayag ng saloobin sa pamamagitan ng FB.
Sa interview ng RMN Naga – DWNX kay Celeste, ipinaliwanag ng GSIS Naga Manager na hindi lang nagkaroon ng unawaan ang mga gwardya at mga kliyente na karaniwang government employees o di-kaya ay mga retired government employees.
Ipinaliwanag ni Celeste na ang polisiya ng GSIS ay ganito: Mag-ka-cut-off ang GSIS ng alas 2 ng hapon, pero ang lahat ng dumating sa nasabing tanggapan sa loob ng nabanggit na oras ay aasikasuhin until the last client. Ibig sabihin, kung dumating ka ng umaga hanggang alas 2 ng hapon ay tiyak na maasikaso. Idinagdag pa ni Ferreras na kahit gabihin sila ay kailangan nilang asikasuhin ang mga kliyenteng dumating sa loob ng nabanggit na time-frame, samantalang ang mga later than 2 pm na dumating ay maayos na pagsasabihan na bumalik na lamang kinabukasan.
Sinabi rin ni Ferreras na dahil sa nasabing insidente, nagpatawag siya ng meeting sa mga security guards upang minsan pang linawin ang bagay na ito. Kasabay nito, ipinaabot din ng GSIS-Naga Manager ang kanyang paghingi ng paumanhin kay Municpal Kagawad Jonas Cabiles Soltes kaakibat ang pangako na hindi na mauulit ang katulad na pangyayari.
Samantala, sa panig naman ni Soltes, tinanggap naman nito ang apology ni Ferreras; tinanggal din niya ang kanyang naunang fb post at pinalitan kung saan ipinaabot niya ang buod ng pag-uusap nila ni Ferreras.
#radyomannaga


Facebook Comments