REKLAMO SA MATAAS NA SINGIL SA PAMASAHE, BINANTAYAN NG LTFRB

Mas pinaigting ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board Region 2 (LTFRB R2) ang monitoring and enforcement activities sa Santiago City upang masiguro na sumusunod ang mga drayber ng pampublikong sasakyan sa itinakdang singil sa pamasahe.

Kasunod ito ng kaliwa’t kanang reklamo na natatanggap ng tanggapan kaugnay sa mataas na singil sa pasahe ng mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan.

Pinangunahan ni Regional Director Edward L. Cabase katuwang ang PNP ang isinagawang anti-colorum operation sa lungsod ng Santiago.

Layon ng monitoring and enforcement activities na matiyak na may kaukulang dokumento ang mga pampasaherong sasakyan na bumibiyahe sa rehiyon at upang matiyak na rin ang kaligtasan ng mga mananakay.

Nauna nang sinabi ng LTFRB kinakailangan maglagay ng updated Fare Matrix o Fare Guide ang mga drayber sa kanilang mga sasakyan na agad makikita ng kanilang pasahero.

Kaugnay nito, patuloy ang paalala ng LTFRB sa mga driver at operator ibigay ang nararapat na discount para sa mga estudyante, senior citizens at persons with disabilities.

Facebook Comments