Pumalo na sa higit 13,000 consumer complaints ang naitala ng Department of Trade and Industry (DTI) na may kinalaman sa online transactions.
Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, mula sa 985 complaints nitong Enero hanggang Marso ay lumobo pa ito sa 13,674 mula nitong September 25, 2020.
Ang mga buwan ng Abril at Hunyo ang nakitaan ng malaking pagtaas.
55% ng reklamo ay may kinalaman sa Price Act, 21.03% ay may kaugnay sa depektibong produkto, 13.86% ay may kaugnayan sa mapanlinlang, at hindi patas na pagbebenta.
Nasa 30,000 consumer complaints ang naitala ng DTI pagdating sa offline transactions.
Plano na ng DTI na bumuo ng registry para sa lahat ng online sellers o businesses para sa consumer protection.
Facebook Comments