Reklamong natatanggap ng MMDA tungkol sa iligal na nakaparadang sasakyan, dumarami

Manila, Philippines – Dumarami ang natatanggap na reklamo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) tungkol sa mga illegally parked vehicles.

Muling iginiit ni MMDA Spokesperson Celine Pialago – layon ng ginagawang clearing operation ay mapaalis ang mga ilegal na nakaparadang sasakyan sa mga lansangan na nagdudulot ng pabagal ng daloy ng trapiko.

Aminado si Pialago na marami pa rin ang lumalabag sa alintuntunin kahit patuloy ang mga operasyon.


Paalala ng MMDA, na bibigyan ng limang minutong babala ang mga sasakyang hahatakin o ito-tow pero kapag hindi pa rin sila sumunod ay sa impounding area na lamang tutubusin ang mga sasakyan.

Facebook Comments